CHECK THIS OUT:

Search

Fil-Am na bantay ng tindahan patay matapos hatawin ng e-scooter sa ulo sa California

 



Isang Filipino-American na 69-anyos sa Highland Park, California na nagbabantay sa tindahan ang nasawi matapos na hampasin siya sa ulo ng mga kabataan gamit ang electric scooter hinabol niya dahil sa pagnanakaw ng beer.


Kinilala ang biktima na si Steven Reyes, Hinabol umano ni Steven ang mga kabataang kawatan pero isa ang pumalo sa kaniya ng e-scooter sa ulo.


Iniwan ng mga tumakas na suspek ang biktima na nakahandusay sa kalye. Isinugod si Reyes sa ospital ng mga nakakita sa kaniya pero binawian siya ng buhay.


Sinusuri na ng Los Angeles Police Department ang mga security camera footage para matukoy ang pagkakakilanlan ng apat na salarin.


Nakikipagtulungan din umano sa imbestigasyon ang mga nakasaksi sa krimen. “Just why? Was the six-pack of beer really worth it among you guys?” hinanakit ng anak ni Reyes na si Nelle.


“I just hope that they realize what they did and I really hope that this event would just change their life and I just wish them nothing but remorse and forgiveness,” dagdag niya.

No comments:

Post a Comment