Ayon Commission on Audit (COA) na nasa 90% sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nananatiling nasa mahirap pa rin. Ito ay sa kabila ng nasa pitong taon na silang sinusuportahan ng programa.
Sa performance report ng COA, 3,820,012 o 90% ng 4,262,439 household beneficiaries ay miyembro ng 4Ps sa loob ng pito hanggang 13 taon. Ito ay katumbas ng P537.39 bilyong cash grant na naipamahagi mula Hunyo 2021.
“This means that 90% of the active household-beneficiaries remained below poverty threshold even after being in the program for a long period of time,” ayon sa COA.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na may pangangailangan na repasuhin ang 4Ps law na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Maganda naman ang layunin pero mukhang hindi po talagang napag-aralan nang maayos, the way I look at it,” ayon kay Tulfo.
Sa ilalim ng batas, binibigyan ng seven-year limit ang mga mahihirap na pamilya na manatili sa 4Ps program na nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
No comments:
Post a Comment