CHECK THIS OUT:

Search

11-anyos bumili ng libro na 'Noli Me Tangere' matapos manood ng Maria Clara at Ibarra

 


Trending ngayon ang likha ni Jose Rizal na 'Noli Me Tangere' kasunod nito ang matagaumpay na gawa na "Maria Clara at Ibarra". Isang 11 na taong gulang na batang lalake nag viral matapos bumili ng libro matapos maenganyong manood sa episode ng palabas.


Sa Facebook pinost ng isang teacher ng novel at sinabing ang kanyang pamangkin ay tinulugan lang ang pagbabasa ng libro.


“I went home from work to hear this amazing story coming from my mom and sister: ‘Si Teng ay bumili ng libro at nakatulog habang nagbabasa, nakarating na din ata sya sa loob ng libro,’” sinabi ni Teacher Joey Dela Cruz Magracia sa kanyang post.


“Just to give you a context, ang batang tinutukoy dito ay hindi palabasa, sakto lang sa school, grabehan sa gadget, oh yes, sobrang sutil pagdating sa gawaing bahay vs. mobile games. Kaya naman hearing those words made me really shocked and a bit happy,” dagdag pa niya.


Si Magracia ay nagtuturo sa lugar ng Meycauayan, Bulacan ipinunto na ito ay hindi katulad ng kanyang pamangkin, na isang Grade 6 student.


“The fact na bumili sya ng libro is a mature act, the first action to curiosity is research… Dahil na-excite sya sa kung anong mangyayari sa mga susunod na episodes ng MCAI, humanap sya ng resource to validate and gather data. Sa Grad school, humihiram lang ako ng book para maghanap ng RRL, pero itong pamangkin ko bumili sya, ibang level,” Sinabi ni Magracia.


“He could have ask questions to me or his classmates or his teacher, pero instead he finds a way on his own. Many kids ngayon magrely na lang sa kung anong narinig sa kaklase or napanood na opinion sa socmed, pero he chose to find answers sa book,” dagdag pa niya.


Sinabi din niyang naging proud ito sa kaniyang naging aksyon “‘Yun lang. I am just one proud Tito for this moment and I hope this would result to a much more better attitude towards his study.”


Nagtapos si Magracia sa kanyang post sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga tao sa likod ng hit show.


“And to the makers of Maria Clara at Ibarra, isang pagsaludo sa inyo at sa inyong craft. Salamat sa isang fresh take to reserve our beloved history laban sa mali at pekeng impormasyon na naglaganap,” Sinabi niya.

No comments:

Post a Comment