CHECK THIS OUT:

Search

WalangPasok: Sept. 26, dahil sa bagyong Karding

 



Walang pasok sa lahat ng antas sa lalawigan ng Aurora dahil sa banta ng bagyong Karding sa Lunes, Setyembre 26. Inanunsiyo ito ng pamahalaang panlalawigan nitong Sabado.



Patuloy na lumalakas ang bagyong Karding na inaasahang magdadala ng matinding pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Ayon sa PAGASA.


Raymond Ordinario ang PAGASA weather specialist sinabi niya na kung patuloy ang pag-usad nito sa west southwest direction ay maaari itong tumama sa Metro Manila at Calabarzon.



"Halos sumasadsad pa ang track ni Karding kaya binabantayan na natin ngayon ang area ng Calabarzon at Metro Manila dahil posibleng kung patuloy na sasadsad si Karding, ay maaaring nitong matamaan o mahagip ang Metro Manila," aniya.


"Antabayanan natin kapag nag typhoon intensity itong si Karding, ay magkakaroon na tayo ng signal number 4," dagdag pa ni Ordinario.


Mula Linggo ng hapon, dadaan ang bagyo sa Central Luzon.



Maaring bahagyang humina ang bagyo kapag sumalpok sa Sierra Madre mountain range at Zambales mountain range.



Inaahasang lalabas ng kalupaan ng Pilipinas ang bagyo madaling-araw ng Lunes at posibleng umalis ng Philippine area of responsibility sa Martes.



Nananawagan ang PAGASA sa mga residente ng Central Luzon na paghandaan ang pagdaan ng bagyo.





No comments:

Post a Comment