Ayon sa ekonomistang si Albay Representative Joey Salceda na posibleng ng humina ang piso laban sa dolyar sa darating na mga araw, sinabing maaring umabot sa P65 hanggang P68 ang palitan sa $1US dollar.
Nagsara ang palitan sa P58.50 = $1 nitong nakaraang biyernes, "Frankly, there's not much we can do. To return to stable core inflation, the U.S. needs to achieve 5% disinflation that it achieved in the early 1980's, and that took 6,500 basis points in interest rate hikes... So, hang on. This is still bound to be quite a ride," paliwanag ni Salceda.
Gayunpaman tiniyak ng bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatiling matatag ang halaga ng piso. "The Philippine currency is actually in middle of the pack. If one takes a global view, the currency is actually quite stable," ayon kay BSP Governor Felipe Medalla.
Kahit na tumataas ang palitan sa dolyar hindi naman masaya ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) dahil batid nila na may epekto rin ito sa pag taas ng bilihin dito sa ating bansa.
"Okay naman po sa side namin na OFW na mataas pero pag-uwi namin dito parang ganun din naman yung value. Kung tumaas yung palitan tapos tataas din ang presyo, parang equal lang din," saad ng seafarer na si Paul Hector Merelos.
No comments:
Post a Comment