Iniimbestigahan na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang pamamaraan para ipamahagi ang cash aid sa mga estudyante na walang gadgets o access sa internet.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao require kasi sa mga kuwalipikadong recipients na magpa-rehistro online at ang kanilang field offices ay inatasan na mag-plano upang makarating sa mga kabataan lalo na iyong naninirahan sa geographically disadvantaged areas ang educational assistance.
Hindi na din kase nag papapunta ang departamento ng mga walk-ins sa mga opisina matapos dumugin ng mga tao ang unang linggo ng educational assistance distribution.
Dahil sa nangyaring eksena, iyong mga humihingi ng tulong ay kailangan munang magparehistro online at hintayin ang text/call confirmation mula sa DSWD.
Sinabi naman ni Assistant Secretary Romel Lopez na kabilang sa posibleng estratehiya upang maging mas accessible ay maglagay ng offsite payout centers kung saan hindi na Nire-require ang online registration.
“Siguro po maglalaan kami ng mga dalawang Sabado muna para doon sa ating mga online,” ayon kay Lopez sabay sabi“Ngayon pa lang fina-fine-tune na namin (‘yung plan), so kung ito po’y lumabas next week, next week po pwede na rin namin ibaba at syempre i-inform po kayo regarding dito.” ani ni Lopez.
Ayon Kay Looez, “the DSWD now targets around 375,000 to 400,000 recipients after the allocated budget was tripled to ₱1.5 billion”
Sa kasalukuyan, 70,000 estudyante ang makikinabang mula sa programa na tatakbo hanggang Setyembre 24.
Good afternoon po Sir/Ma'am ngayon ay September 20,2020 araw ng Martes ,Please po sana mapansin namomroblema ako sa pambili ng uniform at kailangan sa school, paano po pala? Ang ID na kailangan yung ngayon mismong year ,sa school namin wala pa, meron lang akong ID nung grade 10 pa, wala pong trabaho ang mga ko umaasa lang kami sa tanim naming palay para may makakain sana mapansin po ako hindi naman ako gumagastos ng pera para sa sariling kaligayahan sadyang kailangan lang lalo na at grade 12 na ako walang sumusuporta sa mga pangangailangan ko, dito kasi sa probinsya hirap kumita ng pera hindi gaya dyan sa manila yung 340 paghihirapan ko ng isang buwan sa paglilinis ng simbahan kulang nga lang yon para sa kailangan ko sa araw araw sa skwelahan ngayon ako nalang inaantay na mag bayad sa uniform at ID ... Sana lang talaga mapansin ako sa dinamirami ng nag comment dito sana kahit ngayon lang palarin ako matatapos na ang September wala pa din ang Cash assistant. ... Salamat sa pagkakataon Na makacomment 😇
ReplyDelete