CHECK THIS OUT:

Search

Maaari nga bang kasuhan ang mga taong gumagawa ng prank?

 


Nauuso na ngayon ang mga iba't ibang content dahil sa pag gamit ng social media, katulad nalamang ng mga pag gawa ng pranks at minsan ang kanilang prank ay hindi nakakatuwa.


Anu-ano nga ba ang hangganan ng mga prank, at maaari bang kasuhan ang mga gumagawa nito?


Binatid ni Atty. Gaby Concepcion na pwedeng makasuhan ang isang tao kung ang ipa-prank niya ay alagad ng batas dahil isa itong uri ng "false claim."


Sa ating batas bawal mag-prank tungkol sa bomb threats, tulad sa mga public places o transport gaya ng airport at mayroon itong kaparusahan na limang taon na pagkakakulong at multa.


Bagaman sa kasalukuyan ay walang direktang batas para sa iba pang prank ngunit maaaring sampahan ng unjust vexation ang taong gumawa ng prank na nagresulta sa matinding pagkainis ng "biktima."


Ayon kay Atty. Concepcion, ang unjust vexation ay "catch all" sa lahat ng mga ginawang nakakainis ng isang tao ngunit hindi pumapasok sa ibang krimen.


Maaari namang sampahan ng alarm and scandal ang isang tao kung ang resulta ng kaniyang prank ay pagka-alarma ng mga tao, kabilang na ang pulisya at mga rumerespondeng law enforcement agency.


"At the end of the day, not everything is a joking matter," Bigay na paalala ni Atty. Concepcion.


Maaari ring makasuhan ang isang tao kapag naglabas siya ng prank sa social media na nagresulta sa kahihiyan, katatawanan o panganib ng kaniyang biniktima.

No comments:

Post a Comment