CHECK THIS OUT:

Search

Security guard naka graduate na at isa ng ganap na guro sa Bulacan


Ang security guard na si Edwin Salvador ay natupad na niya ang kaniyang pangarap sa edad na 45 na taon na maging isang guro matapos nitong makuha ang college degree at kasama pa sa latin honor na magna cum laude.

 

Magsisimula na rin niyan magturo si Salvado sa isang private school. Kamakailan nagviral ang tiktok video ng kaniyang babaeng anak sa graduation video sa Bulacan Agricultural State College noong June. Ipinapakita sa video na si Salvador ay hindi mapigilang maluha matapos matanggap ang kaniyang Bachelor’s degree sa elementary education.

 

Ang caption ni Mary Angelica Salvador ay “Security Guard, tagalinis at tagagawa ng aircon, electric fan, etc noon. Ngayon graduate na ng BEED plus Magna Cum laude at the age of 45. Congrats Pa!”

 

Sinabi ni Salvador na kinailangan niyang tumigil sa kaniyang pag aaral para masuportahan niya ang 3 pa niyang kapatid. Pero naisipan nito na mag aral muli para matapos niya ang edukasyon at maging isang ganap na guro.

 

Pinagsabay ni Salvador ang pagtatrabaho bilang isang security guard, pag gawa ng aircon, tubo at marrami pang iba ng sa ganon ay matulungan niya ang kaniyang pamilya. “Magsikap lang po kayo, humingi kayo ng tulong sa Panginoon. Doon naman sa mga pamilya ng mga tao na gustong mag-aral, suportahan niyo po yung mahal niyo sa buhay kasi walang magtutulungan kung hindi kayo kayo.”

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment