Dahil sa giyera sa Ukraine nagmamahal na rin ng pandesal at lalong humihina ang palitan ng peso, maraming panaderya ang pinaliit ang kanilang pansedal.
Ang masarap at malambot na pandesal ay may timbang ito na 35 grams sa Matimyas Bakery sa Sampaloc, Manila.
Dahil sa presyo ng mga imported ingredients na bigla nalang nagtaasan noong nakaraang buwan, Si Jam Mauleon ang co-owner ng bakery naisipan nitong bawasan ang timbang ng Pandesal ginawa niya itong 25 grams para maging patas lang sa kanyang presyo ng pandesal na 2.50 pesos kada isa.
Natatakot din ito na baka mawalan siya ng customer dahil sa kaniyang pagbabawas ng timbang ng tinapay lalo meron itong karibal na bakery shop 5 blocks ang layo.
"Kailangan naming magbawas ng laki para makayanan pa namin ang mababang palitan ng peso" Sinabi ni Mauleon sa AFP.
Naniniwala si Mauleon na tataas ulit ang ekonomiya ng mga bakery shop dahil sa nalalapit na pasukan ng mga estudyante ngayong taon, dahil dito nag karoon siya ng pag asa na maayos pa ang kanyang shop.
Simula noong December ang presyo ng tinapay at gasolina ay patuloy parin ang pag taas sa humigit na 30% samantala ang sugar ay 25% at ang asin naman ay 40% ang tinaas nito.
Ang Bakery shop ay nakakaya parin mairaos kahit na hindi sapat ang pera para makabili ng maraming ingredients dahil sa patuloy na pag taas ng local at international markets.
Matapos mabawasan ng bilang ng employees at pag taas ng presyo naisipan din ni Mauleon na ngayon linggo ay tataasan niya ang kanyang padesal sa presyo na 3 pesos kada isa.
Bawasan ang laki niya malaking impact yon dahil maaapektuhan ang kalidad ng pandesal " hindi naman namin ito gagawin kung walang gustong bumili, Pandesal ay nag bibigay ng importansya sa mga buhay ng mga Pilipino." Ani ni Mauleon.
No comments:
Post a Comment