CHECK THIS OUT:

Search

Nakapagipon at nakapagpundar ang mister na wais dahil sa sahod ng OFW na misis


Si Rogelio Fortes ang makakapagpatunay na isa siyang matibay na haligi ng kanilang tahanan na nag mula pa sa Agoo, La Union. Ang kaniya naman misis ay si Rodelyn na nag tatrabaho sa ibang bansa, Isa itong OFW sa bansang Kuwait at Malaysia.


Dati na din na feature si Rodelyn sa GMA Regional TV na Balitang Amianan noong September 30,2021 dahil sa kanilang istorya sa buhay.


Ayon sa Mister na si Rogelio simula pa lang na nag trabaho ang kaniyang misis sa ibang bansa inipon na niya ito kasama ang kanyang mga anak.


Sinabi pa ni Rogelio na mag pursige siyang mag iipon habang nasa ibang bansa ang kaniyang asawa dahil sa palagay niya sa ganitong paraan siya makakatulong sa asawa niya, lahat daw ng pinapadala ng kaniyang asawa ay dinadagdagan pa niya dahil nag iipon din si Rogelio.


Hindi ito nilalagay sa bangko subalit inilalagay niya ito sa balde, kaya ng magbalikbayan si Rodelyn, nagulat nalamang ito na umabot na sa 300,000 ang kanilang naipong barya at papel na pera. 


Dahil sa ipon nakapag pundar sila ng sari-sari store at konkreto narin ang kanilang bahay na dating gawa lamang sa kawayan.


Nakabili na rin ng motorsiklo at sidecar ang kaniyang mister, Sinabi rin dati ni Rodelyn na duda siya sa kaniyang asawa sa pag hawak ng  pera.


Aniya, "Sabi nga ng iba sa akin, may mga nagtsa-chat... buti raw kung makakaipon asawa ko.", Pero walang nasayang sa pinagpagurang pera ni Rodelyn.


“Hindi ko alam at nung dumating na po ako dito, buo na ang bahay, sementado na. Di ko lubos maisip na ganoon yung maiipon nila kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait at sa Malaysia.”


Ang isa pang maganda sa ginawa ni Rogelio, maagang namulat ang kanilang dalawang anak sa importansiya ng pag-iimpok.


Ayon sa kanilang anak na si Laurence, tinuruan talaga siya ng ama na mag-ipon at magtipid. "Kung hindi naman daw po kailangan, hindi dapat bilhin."

No comments:

Post a Comment