CHECK THIS OUT:

Search

Ibinahagi ni Pauleen Luna kung papaano nagsimula ang pag mamahalan nila ni Vic Sotto


Unang sinabi ni Pauleen na "Weird", "nakaka-stress" at naging "very smooth" ang pagmamahalan nila  ni Vic Sotto. Mag mula noong sila ay magkatrabaho sa "Eat Bulaga" sa una naging mag kaibigan ang dalawa at nauwi sa pag iibigan.


"Because, tahimik siya eh. And he comes of as suplado," sabi ni Pauleen, "Seven years in the show and I've not have a decent conversation with him."


“As in minsan, kilay-kilay lang. Parang ‘hi,’ ganu'n lang. He is super mysterious and so quiet na like what I said, he comes of as suplado, so parang medyo takot kami sa kaniya,” saad ni Pauleen.


"Superior" pa ang tingin nila kay Vic sa Eat Bulaga bago sila tunay na maging mag kaibigan. “We respect him as our, you know, superior, and I don’t think I need to talk to him. So when we started to talk, it’s kinda stressful,” dagdag pa ni Pauleen.


Ayon kay Pauleen una itong nag message sakanya ay galing pa sa e-mail, na kung nag palitan sila ng larawan sa kanilang Singapore trip kasama ng mga iba pa nilang kaibigan at wala pa noon silang numero sa isa't isa.


“He said ‘Can you send me the photo?’ Sabi ko, ‘I’ll send it to your email.’ Hindi pa naman uso 'yung mga iMessages nu'ng time na ‘yon so sabi ko, ‘Can I get your email?’ That’s where he got my email,” kuwento ng TV host-actress.


“After a while, he emailed me and then parang may nakita siyang billboard ko or something and then he sent it to me, parang ganu'n lang,” ani Pauleen.


Nagtuloy tuloy pa ang kanilang messages ni bossing, hanggang sa ibinigay na ni bossing ang kaniyang numero.


"'Hey if you want to talk, here's my number,'" mensahe raw sa kaniya noon ni Bossing. "Na-stress talaga ako nu'n. Sabi ko kay Ate Ruby (Rodriguez), ‘Bakit ganito? Bakit kailangan ko mag-reply?’ And then okay naman pala,” ani Pauleen. "Friendly friendly lang talaga. I guess we realized we have a lot of things in common.”


"Hindi pala siya artista kumbaga, and then we got along very well,” pagpapatuloy ni Pauleen.


Hindi naman matukoy ni Pauleen kung kailan niya napagtanto na may higit pang namamagitan sa kanila ni Vic.


“Parang sobrang smooth, it’s just really a transition [from] we started to talk to each other more often. And then from going out na group kami, we started going out na kaming dalawa na lang.”


At nang maging magnobyo at magnobya, unang pinagkuwentuhan ni Pauleen si Ruby Rodriguez, na nagsilbing "enabler" para matuloy ang kanilang relasyon.


“Hindi naman sa gustong gusto niya si Vic, pero kaibigan niya talaga si Vic and she knows Vic. I guess maaga pa lang, she saw na 'Bagay ‘tong dalawang ’to' without even them knowing it.’”


Ipinagdiwang nina Vic at Pauleen ang kanilang ikaanim na wedding anniversary noong Hunyo. Maglilimang taong gulang na ang anak nilang si Talitha Maria sa Nobyembre.

No comments:

Post a Comment