CHECK THIS OUT:

Search

Bea Alonzo, nagsimula bilang 'extra' sa kaniyang career



Ang Batikang Aktres na si Bea Alonzo, kinuwento niya ang kaniyang humble beginning bilang isang artista, na kung saan naranasan niyang humiram lang ng damit sa kniyang kapitbahay para may magamit sa taping.


It was a rough start for me," sabi ni Bea sa show na Updated with Nelson Canlas. 


Sinabi pa ni Bea na nagsimula siya bilang extra na walang mga linya at nakikisabay lang sa kanilang service sa taping dahil wala pa siyang sapat na pamasahe at sasakyan noong panahon na yon. 


"Kahit na isang eksena lang ako kasi extra lang ako, hihintayin naming matapos 'yung buong taping kasi 'yung taping sa Antipolo or sa Tanay, tapos we didn't have a car. Hindi namin alam kung saan kukuha ng taxi. At that time wala namang car services na puwede mong tawagan via app," ani ng Kapuso actress.


"Tapos na ako at 4 p.m., pack-up na dapat ako, maghihintay kami hanggang 5 am, 6 am para makisabay sa service," pagpapatuloy pa ni Bea.


Bukod dito, wala ring cut-off at mga stylist si Bea kaya sariling sikap lang siya. "Kapag sinabi na '50 sets, 5-0, of pambahay. Ganiyan ang gagamitin,' as in maghahalughog ka kasi kapag normal na tao ka wala ka namang 50 sets na pambahay," pag-alala niya.


"I remember, halimabawa sasabihin nila '25 sets of panglakad.' Titingnan ko 'yung closet ko, parang tatlong maong na pantalon lang meron ako, saan ako kukuha ng 25?" Dahil dito, nanghihiram si Bea ng damit mula sa kaniyang mga kapitbahay.


"Kumakatok kami sa mga kapitbahay namin. Magpapahiram naman sila, mababait sila kasi gusto nilang makita sa TV 'yung damit nila," biro ni Bea. Nang magsimulang kumita si Bea, pumupunta ang kaniyang ina sa Divisoria para bilhan siya ng mga magagandang damit.


Ngayong isa nang sikat na artista na bumida sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon, hindi pa rin nalilimutan ni Bea na maging mabait sa mga staff at crew sa likod ng camera.


"Kasi kapag extra ka pa lang or bit role pa lang 'yung ginagampanan mo, mas mahaba 'yung paghihintay mo kaysa take mo. Ang dami kong oras para chumika sa wardrobe people, sa mga lighting director, sa gaffers," sabi ni Bea.


"Kasi kapag extra ka pa lang or bit role pa lang 'yung ginagampanan mo, mas mahaba 'yung paghihintay mo kaysa take mo. Ang dami kong oras para chumika sa wardrobe people, sa mga lighting director, sa gaffers," sabi ni Bea.


"Kesa naman nakatunganga ka lang. At the time wala naman akong cellphone, wala akong ginagawa, like nagbabasa-basa lang ako. I think doon nagru-root 'yon."


No comments:

Post a Comment