CHECK THIS OUT:

Search

Babae patay matapos mabubugbog ng live-in partner dahil ayaw makipagtalik


Isang babae ang nasawi dahil sa pagbubugbog ng kaniyang ka live-in partner nagalit ang suspect matapos itong tangginhan ng kaniyang biktima na makipagtalik dahil ito ay nag papadede ng bata sa Angeles City, Pampanga.


Kinilala ang suspect na si Jeffrey David, wala raw tirahan ang suspect at ang biktima sila ay natutulog lang sa bangketa, Ayon kay Police Colonel Diosdado Fabian.


"Parang nakainom yung lalaki tapos nag-aayang makipagtalik. Ang babae, umayaw dahil nagpapadede ng anak at saka may menstrual period yata siya," sabi ni Diosdado.


Dahil sa sobrang galit ng suspect pinagsusuntok niya at pinag uuntog ang ulo ng biktima hanggang sa mawalan ito ng buhay. Sinubukang awatin ng mga taong nakatambay ang lalaki pero patuloy parin ito sa pagbubugbog sa biktima.


Sinubukan itong idala sa ospital ngunit binawian rin ito ng buhay, naaresto naman ang suspect at hindi na ito naaigay ng pahayag at ibinigay na ito sa Police.

No comments:

Post a Comment