Isang Overseas Filipino Worker (OFW) 11 taong naging TNT o ang ibig sabihin ay tago ng tago sa South Korea nang dahil sa isang helmet siya ay napauwi sa Pilipinas dahil nasita itong walang suot.
Ipinaliwanag ni Elmer ang OFW sa south Korea kung papaano siya nakauwi dito sa Pilipinas sa noon time show na Bawal Judgemental ng "Eat Bulaga."
Naging mahirap ang paninirahan ni Elmer sa South Korea dahil narin hindi niya naiintindihan ang mga salita ng mga Koreano subalit nung siya ay nag tagal nauto ito at umupa ng sarili niyang bahay.
Sa kadahilanang hindi kumpleto ang mga dokumento ni Elmer nag iingat ito sa sakit at binabawasan ang bisyo para hindi ito mahospital. Kapag daw siya ay nilagnat, iniingatan niya lang ang sarili niya sa loob ng araprtment.
Hindi man lang niya nakitang lumaki ang kaniyang mga anak dahil bata palang ang mga ito ay umalis na si Elmer sa Pilipinas. Matapos na maka 11 na taon sa South Korea nais pa sana ni Elmer na dagdagan pa ng isang taon bago umuwi ng Pinas ngunit hindi na ito nakayanan dahil siya ay nahuling walang suot na helmet.
Hindi mapigilan ng mga host ng Eat Bulaga na matawa dahil sa loob ng 11 na taon na pagiging TNT hindi inakala na mahuhuli ito ng dahil lang sa helmet. "One year pa sana hihirit pa ako. Kaso nahuli ako ng immigration," saad niya. "Nagmomotor ako wala akong helmet." sabi ni Elmer.
Pumunta lang naman daw si Elmer sa park na kalapit lang ng kaniyang bahay kaya hindi na ito nag suot pa ng helmet, hindi rin niya inakala nag masisita siya. Matapos siyang masita nalaman ng mga awtoridad na wala man dokumentong dala dala si Elmer.
"Hinanapan ako unang-una lisensiya muna, wala akong lisensiya. Tapos sunod alien card, wala rin akong maipakita," Ani ni Elmer.
Ayon kay Elmer, idinetine siya at hinintay niyang makuha ang papeles para makabili sila ng plane ticket pauwi ng Pilipinas.
Sabi pa ni Elmer, kaagad din pinababalik sa Pilipinas ang naaaresto kapag may plane ticket na.
"Hindi na nila pinapatagal. Basta mayroon kang ticket pauwi," pahayag ni Elmer. Pinakuha nalang niya ang kaniyang Passport at bumili nalang ito ng plane ticket pauwi ng Pilipinas.
Dahil doon naging blacklisted si Elmer sa South Korea sa loob ng 10 years at sinabi rin niya marami siyang natutunan sa pagiging TNT nang dahil doon natuto siyang maging independent at maging malakas ang loob. "Kailangang gawin ko 'yon para sa pamilya ko," sabi niya.-
No comments:
Post a Comment