CHECK THIS OUT:

Search

OFW naiikot ang buong mundo dahil sa pagiging nurse ng royal family sa Saudi


Kinaiinggitan ngayon ang trabaho ng isang overseas Filipino worker sa Middle East dahil bukod sa malaki ang kaniyang naiipon, nagagawa niya pang makapunta sa iba't-ibang panig ng mundo nang walang ginagastos.


Si Salvador Palma Esguerra Jr. ay private nurse ng isang royal family sa Saudi Arabia. Nagsimula siyang magtrabaho rito noong taong 2017 sa pag-asang mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya.


Sa kabutihang palad ay sinwerte naman si Esguerra sa kaniyang employer dahil maliban sa magandang work opportunity ay isinasama din siya ng mga ito sa iba't-ibang bansa gaya ng Germany, London, Egypt, Dubai, Monaco, Barcelona at Rome.


Walang gastos si Esguerra sa mga byaheng ito. Sa katunayan ay binibigyan pa nga sya ng napakalaking travel allowance at pinapatikim ng iba't-ibang luxury food items.


“Nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan ako ng ganitong employer na mabait sinasama ako sa iba’t ibang lugar gaya ng Germany, London, Egypt, Dubai, Monaco, Barcelona, Rome at nakapag Cruise sa ibang lugar,”sabi ni Esguerra.


“12 hours ang working hours ko pero kahit papano kaya naman, di gaano kalakihaan ang sweldo ko dito pero bawi naman sa travel allowance kaya nakapag pundar ako ng 2 storey house hopefully matapos na next year in God’s time,” dagdag niya.


Bagama't marami ang nagnanais na magkaroon din ng trabaho gaya ng kay Esguerra, ayon sa kaniya, hindi madali ang  malayo sa pamilya.


Kinakailangan nyang tiisin ang pangungulilila sa kaniyang asawa at dalawang anak na kasalukuyang naninirahan sa Binmaley, Pangasinan.


“Nakapahirap ang isang OFW na malayo sa pamilya pero gagawin ko hangga’t makakaya ko para sa pamilya ko. Nandyan ang homesickness pero need mag ipon at mag invest, dahil hindi habang buhay ang pag a-abroad,” pagbabahagi niya.


Marami namang netizens ang nakaunawa sa sitwasyon ni Esguerra. Naniniwala rin sila na deserve ng OFW na maranasan ang lahat ng magagandang bagay sa dami ng kaniyang sakripisyo para sa kaniyang pamilya.


Source: Latest Chika


No comments:

Post a Comment