CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki patay matapos asarin ang kasamahang walang ambag sa inuman


Hindi na sinikatan ng araw ang isang lalaki mula sa Malagamot, Panacan, Davao City matapos siyang saksakin ng kaniyang kainuman.


Ayon sa ulat, kinilala ng Sasa Police Station ang suspek bilang si Pablo Gallardo, 56, at ang biktima naman ay si Rocky Pacay, 34.


Nagkainitan umano ang dalawang residente ng nasabing lugar matapos asarin ni Pacay si Gallardo na wala itong ambag sa inuman. 


Dahil sa walang tigil na pang-aalaska ni Pacay, napikon si Gallardo at kumuha ng  patalim na isinaksak niya sa dibdib ng biktima.


Nakuha pang tumakbo ni Pacay ngunit hinabol siya ng suspek at doon inundayan ng saksak hanggang mamatay.


Nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad si Gallardo at nahaharap kasong pagpatay.


Source: Brigada PH

No comments:

Post a Comment