CHECK THIS OUT:

Search

JV Ejercito may P50k pabuya sa makapagtuturo ng SUV driver na bumangga ng sekyu


Magbibigay ang Senador na si Joseph Victor "JV" Ejercito ng P50,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa kinaroroonan ng driver na sumagasa sa isang security guard sa Ortigas Center, Pasig City noong Hunyo 5.


Sa dash cam video na ibinahagi sa social media, makikita ang sekyu na si Christian Joseph Floralde na nagbibigay ng signal sa mga paparating na sasakyan na huminto sa isang interseksyon sa Ortigas.


Ngunit isang White Toyota RAV 4 na may plakang NCO3781 ang hindi tumigil at bumundol pa sa sekyu. Sa halip na huminto, inararo pa ng suspek ang sekyu at saka humarurot palayo.


Naghimutok sa galit si Ejercito, isang road safety advocate, nang makita ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima.


“Putting up a P50k reward for any info regarding this evil and idiot driver who purposely ran over a traffic enforcer. Really furious watching the video!” tweet ni Ejercito.


“Details of idiot driver’s vehicle: Toyota RAV-4 Plate number NCO-3781 Any info will be appreciated,” dagdag pa niya.


Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Jose Antonio San Vicente. Ayon kay Police Brig. Gen. Roderick Alba, PNP spokesperson, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila ang arrest warrant na manggagaling sa korte. 


Subalit, sa kasalukuyan ay hindi pa rin alam ng pulisya ang kinaroroonan ni San Vicente. 


No comments:

Post a Comment