CHECK THIS OUT:

Search

Grade 12 student, nakatanggap ng P17-M worth of scholarship grant abroad



Isa na namang Pinoy student ang nakapasa sa iba't-ibang unibersidad abroad at nakatanggap ng mga scholarship grant na papatak sa milyon ang halaga.


Ang grade 12 student na si Aneko Delfin, 18, ay estudyante mula sa Philippine Science High Shool sa Quezon City. Hindi lamang isa, kundi pitong universities mula sa U.S. ang nag-offer sa kaniya ng scholarship grants.


Nakapasa siya sa University of Pittsburg (Pennsylvania), Oregon State University, (Oregon), University of Michigan-Flint (Michigan), at Temple University (Pennsylvania). Nakatanggap din siya ng admission offer sa Bentley University (Massachusetts), Drexel University (Pennsylvania), at Hofstra University (New York).


Narito ang breakdown ng mga scholarships offers mula kay Aneko:


Bentley University - $120,000 + $40K for a total of PHP$160,000 (PHP8,160,000)

Oregon State university - $24K (PHP1,224,000)

University of Michigan-Flint $4,000 (PHP204,000)

Temple University - $8,000 (PHP408,000)

Drexel university -$21, 200 (PHP1,081,200)

Hofstra University – $108,000 (PHP5,508,000)

University of Pittsburg


Bukod sa mga universities abroad, tanggap din si Aneko sa mga top-performing institutions sa bansa gaya ng University of the Philippines, De La Salle University, at Ateneo de Manila University.


Pag-amin ni Aneko, isa lamang siyang "mediocre" o "average" student bagama't marami ang nag-iisip na ang mga estudyante sa PSHS ay pawang matatalino at matataas ang IQ.


“If I’m being honest, I honestly think that I’m just a mediocre, actually average student in my school.


“I think in terms of grades, extra-curriculars, I’m not exactly that one that shines.”


Kaya naman ayon sa dalaga, siya ang patunay na kahit hindi ka katalinuhan ay maaari ka pa ring matanggap sa mga prestihiyosong paaralan basta matuto ka lamang magtiyaga at magsipag sa pag-aaral.


“You really still have a shot at applying to international schools.”


“A lot actually of my batchmates also applied to schools abroad. They also got scholarships offers, admission offers."


Interesadong pasukin ni Aneko ang bio-informatics. Gayunpaman, hindi pa nakadedesisyon si Aneko kung saang paaralan siya papasok. Iniisip din kasi ng estudyante ang halaga ng pera na kaniyang kakailanganin lalo pa at mahirap ang maging mag-aaral sa Amerika sa kabila ng mga scholarship grant.

Source: PEP.ph

No comments:

Post a Comment