CHECK THIS OUT:

Search

Gastos ni Manny Pacquiao sa pag-aaral ng kaniyang mga anak, milyon kada taon

 


Nakakalula ang halaga ng binabayaran kada taon ng senador na si Manny Pacquiao para sa matrikula ng kaniyang mga anak na nag-aaral lahat isang sikat at esklusibong international school.


Ang anak ng dating boksingero na sina Jimuel, Michael, Mary Divine, at Queen Elizabeth ay pare-parehong nag-aaral sa Brent International School.


Ang paaralang ito gumagamit ng mas modern na teaching methods at curriculum. Tinuturuan din ang mga estudyante rito na matututo ng iba't-ibang lenggwahe upang gawin silang globally competitive pagdating sa pakikipagtalastasan.


Kada isang anak, libo-libong piso ang ginagastos ni Pacquiao para sa matrikula.


Kung pagbabasehan  ang ilang ulat na makikita sa internet,  kada isang tao ang tuition fee ni Jimuel at Michael ay maaaring pumatak sa $9,120 o P419,800 kada taon. Dagdag pa rito ang ibang gastusin sa paaralan na aabot sa $8, 085 o P396,165.


Higit kumulang $8,784 o P403,512 naman ang kay Mary Divine at  Queen Elizabeth na kasalukuyang nasa middle school. Wala pa rito ang ibang gastusin sa paaralan.


Kung kukwentahin, higit pa sa isang milyon ang binabayaran ni Pacquiao kada taon para sa matrikula ng kaniyang mga anak.


Malamang ay maaari pa itong lumobo sa pagtaas ng grade level ng kaniyang mga anak at kapag nagsimula na ring mag-aral ang kaniyang bunso na si Israel.


Panigurado naman na kayang-kaya ito ng Pacman at ng kaniyang asawang si Jinkee sa dami ng kanilang investments, business, at endorsement na nagbibigay sa kanila ng hindi lang milyon kundi bilyon o trilyon pa.

No comments:

Post a Comment