CHECK THIS OUT:

Search

Charo Santos, gaganap na ina ni Cardo Dalisay sa 'FPJ's Ang Probinsyano'


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres  na si Charo Santos-Concio na siya ay mabibigyan pa ng pagkakataon na makagawa ng action scenes matapos ang 45 taon niya sa industriya.


Ang screen veteran kasi ang gaganap na Romana, ina ni Cardo Dalisay, sa hit series na "FPJ's Ang Probinsyano."


Malaki ang pasasalamat niya sa Dreamscape Entertainment at kay Coco Martin dahil pinahintulutan siya ng mga ito na maging bahagi ng inaabangang TV program ng mga Pinoy. 


“Sino ang magaakalang after 45 years sa industriya ay mabibigyan pa ako ng pagkakataong makagawa ng action scenes. Maraming salamat for this opportunity," sabi ni Ms. Charo na lubos ding nagpapasalamat sa mga manonood na tumanggap sa kaniyang karakter.


Noong 2019, nabanggit ng Filipino media excutive na handa siyang magkaroon ng guest appearance sa hit series.


"Cardo, nag-aantay pa rin ako... Oo, basta ang cut-off ay hindi two in the morning, hindi ba? Alam mo na, senior citizen na. Mag-a-action? Aba, kung kaya naman eh, why not?" aniya.


Mapapanood ang "Ang Probinsiyano" sa Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, WeTV, at iflix.



No comments:

Post a Comment