CHECK THIS OUT:

Search

Ai-ai delas Alas, nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang adoptive mother



Nangungulila ngayon ang komedyanteng si Ai-ai delas Alas matapos pumanaw ng kaniyang adoptive mother sa edad na 93 nito lamang Huwebes ng hapon, June 23.


Ang kinikilalang ina na ito ni Ai-ai ay ang kaniyang tiyahing si Justa,  kapatid ng kaniyang biological father.


Sanggol pa lamang ang aktres nang ampunin siya ni Nanay Justa, isang engineer at dalaga na hindi na nagkaroon ng asawa at sariling pamilya. 


Ang ina-inahan na ito ni Ai-ai ang nagpalaki, nag-alaga, at nagpaaral sa kaniya. Nakasubaybay ito sa Comedy Queen hanggang sa pasukin nito ang showbiz at maging successful sa kaniyang career bilang aktres.


Bagama't labis ang kalungkutan ni Ai-ai sa pagkawala ng kaniyang adoptive mother, malaki pa rin ang pasasalamat ng aktres na hindi na nahirapan ang kaniyang Nanay Justa bago pumanaw. 


“Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi nahirapan ang nanay ko nang umalis siya,” sabi ni Ai-Ai nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Huwebes ng gabi.


“Mami-miss kita MAMA, MOMMY, MOTHER GOOSE, MUDRAKELS, and originally INAY.. 90th b-day n’ya to .. hindi na niya inabot sa July 19 dapat 94 na s’ya..


"di bale mama goodlife ka naman atsaka hindi ka nahirapan sa pag alis mo (the best ka talaga LORD super pray ako kanina na ‘wag ka mahirapan and hindi nga)..


“I love you and thank you sa pagmamahal, pag-alaga, at pagpapaaral sa akin. Rest ka na mama .. kamusta mo ako kay LORD AND MAMA MARY,” caption ni Ai-Ai sa video ng 90th birthday celebration ng kanyang ina noong July 2018.


No comments:

Post a Comment