CHECK THIS OUT:

Search

Carla Abellana nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Tom Rodriguez

 


 Binasag na ng aktres na si Carla Abellana ang kaniyang pananahimik tungkol sa kasalukuyang estado ng kaniyang relasyon sa asawang si Tom Rodriguez.


Napilitang magsalita si Carla nang dahil sa mga mapang-usisa at maaanghang na salita ng netizens.


Ayon sa aktres, labis siyang nasaktan sa lahat ng ginawang panloloko, at hindi pagrespeto sa kaniya ni Tom sa kabila ng pagmamahal na ibinigay nito sa kaniya sa loob ng pitong taon.


"Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”


“Kung sana hanggang doon lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.” 


“Binigay ko po buong buhay ko sa kaniya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kaniya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya. Paulit-ulitko pong pinapaalala sa kaniya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat ‘yon. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po.”


Ipinahiwatig ni Carla na tila ba may pinagdadaanan si Tom dahil ilang ulit daw niya itong sinabihan na magpakonsulta sa espesyalista.


“Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil ‘yon din po ang gumana sa akin. Pero wala pa rin po. Tinanggap ko pa rin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.”


“Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sa akin. Galit, pride at ego ko siya na rin po ang kumuha sa akin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya.”


“Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon. Kahit po kung tutuusin wala pa po yung pag-like sa iilang comments na ‘yon kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya.”


“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kaniya sa paraan ng pagganti. Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako nang husto.”


“Hindi po ako mababaw. Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka-record.


“Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo onlin ine, sa TV, etc. Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos.”


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay wala pa rin reaksyon si Tom sa pahayag ni Carla na hindi umano ay nag-aayos na para sa proseso ng kanilang annulment.

No comments:

Post a Comment