CHECK THIS OUT:

Search

Lolong hindi pinapasok sa car showroom dahil sa itsura, sa kalabang tindahan bumili in cash!


Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang lolo na bumibili dapat ng sasakyan ngunit nahusgahan ang pagkatao nang wala sa oras.


Ayon sa Facebook user na si Love Dorego, magtitingin daw sana ng sasakyan si Lolo Manuel sa isang car showroom ngunit sa entrance pa lamang ay hinarang na ito at hindi pinapasok.


Noong oras na yon ay lupa at may mantsa ang damit ni Lolo Manuel. Butas din ang kaniyang sapatos at marumi ang suot na facemask.


Kaya hinuha ni Dorego at ilan pang netizens, marahil ay hindi pinapasok ang matanda sa car showroom dahil sa pisikal na itsura nito.


"Last Tuesday, May 17, before going to Suzuki, Tatay Manuel went to ____a’s Showroom, however, he said he wasn't allowed to get in 😞 maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask," sabi ni Dorego sa kaniyang Facebook post noong May 20.


Dahil sa pangyayari ay lumipat sa kabilang tindahan ng sasakyan si Lolo Manuel kung saan nagtatrabaho si Dorego. Doon ay pinapasok siya at hinayaang makapili ng bibilhing sasakyan.


"He walked into our Showroom at Lanang but we didn’t hesitate to let him in and entertained him, asking what unit he wants to inquire about, he said he wants to buy a unit," kwento ni Dorego.


"After presenting our displayed cars he decided to buy the S-presso he said he’ll pay it in cash, but, he will go back the next day because he didn't bring his money with him being afraid to bring the cash while riding a bus and a jeepney," dagdag niya.


Kinabukasan ay bumalik nga si Lolo Manuel at binayaran ang buong halaga ng sasakyan gamit ang kaniyang dalang pera. Dahil hindi na gaanong sanay magmaneho, sinamahan pa siya sa pag-uwi ng isang sales executive ng kompanyang kaniyang pinagbilhan.


Ayon kay Dorego, walang pamilya si Lolo Manuel na isang retired teacher. Mayroon itong kinakasama noon ngunit inabuso lang daw sya umano nito at tinangay ang kaniyang mga salapi.


Kung may kapupulutan man ding aral sa kwento ni Lolo Manuel, sambit ni Dorego, "Never underestimate anyone. Treat every person equally."


No comments:

Post a Comment