CHECK THIS OUT:

Search

Lolo, pinilit na mag-aral upang mahikayat ang mga anak na makapagtapos


Sabi nila ang mga magulang ang nagsisilbing modelo ng mga anak. Kung ano ang nakikita ng anak sa ama o ina, ang siyang kaniya ring gagayahin kalaunan.


Marahil ang paniniwalang ito ang nagsilbing inspirasyon ng isang  matanda mula sa Mondragon, Northern Samar na nagsumikap mag-aral sa kabilang ng kaniyang edad, mahikayat lamang ang kaniyang mga anak na makapagtapos din ng pag-aaral.


Ayon kay Lolo Merit, nabarkada ang kaniyang 16-anyos na panganay na anak. Upang hindi tuluyang malihis ang landas nito, nais niya sanang hikayatin ang kaniyang anak na ituon na lamang ang kaniyang atensyon sa pag-aaral.


Upang magawa ito ni Lolo Merit, siya mismo ay nag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) sa isang paaralan na malapit sa kanilang lugar.


Nagpursigi ang 61-anyos na matanda sa pagsagot ng kaniyang mga module at pag-aaral ng leksyon upang maenganyo at maipakita sa kaniyang anak ang kahalagahan ng edukasyon.


"'Yung anak ko, gusto kong mag-aral, yan ang kinukuhaan ko ng module, pero nandun lang sya sa barkada na kung anu-ano, kaya yan, gusto ko man makita nya para pupursigihin kong gumawa, at makapagtapos ng pag-aaral pati narin doon sa may mga edad na rin katulad ko na makabalik sa pag-aaral," kwento ng matanda.


Ngunit hindi lang anak ni Lolo Merit ang kaniyang napabilid, kung hindi maging ang mga naging guro niya sa ALS dahil sa kaniyang husay sa pakikipagsabayan sa mga nakababatang estudyante.


Gayunpaman, nakatanggap pa rin siya ng panlalait mula sa kaniyang kapwa. Ngunit, hindi ito naging hadlang upang panindigan at tapusin ang kaniyang pag-aaral.


Sa ngayon, planong pumasok ni Lolo Merit sa senior high school at kung matapos niya ito, nais niya rin ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo upang matupad ang kaniyang pangarap hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang pamilya.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment