CHECK THIS OUT:

Search

Kris Aquino, nakumpirmang may 3 'life-threatening' illness

 


"I'm not yet dead."


Ito ang ginawang pagsiwalat ng Queen of all Media na si Kris Aquino kamakailan lamang matapos kumalat ang balitang siya raw  ay nag-aagaw buhay sa ibang bansa.


Paglilinaw ni Kris, "'Yung chismis na na-confine ako, nasa ICU, nag-aagaw-buhay, masyado kayong advanced."


Gayunpaman, ayon sa dating aktres, nang lumipad siya pa-America, nakumpirma ng kaniyang mga doktor na may tatlo siyang autoimmune disease na sadyang mapanganib sa kaniyang buhay kung hindi mabibigyan ng karampatang lunas.


 "Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.I’ve always been proud of my honesty & courage."


"Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the US - meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA."


Kinakailangan ngayon ni Kris na pumuntang Houston, Texas dahil naroroon daw ang lunas na kinakailangan niya para sa kaniyang mga karamdaman.


Aniya, ang gamot na ibibigay sa kaniya ay hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration ngunit sa awa ng Diyos, umaasa siya na makatutulong ito sa kaniyang paggaling.


"Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids."


Desidido si Kris na subukan ang lahat ng lunas na irerekomenda sa kaniya ng mga doktor alang-alang sa kaniyang dalawang anak na si Josh na may autism spectrum disorder, at Bimbly na 15-anyos pa lamang.


Source: Pep.ph

No comments:

Post a Comment