CHECK THIS OUT:

Search

Anak na babae ng isang sundalo, graduate ng valedictorian sa PMA

 


Hindi lang ang kaniyang ama kundi maging publiko ang napapahanga ng isang Cadet First Class na si Krystlenn Ivany Quemado, 22, dahil sa kaniyang husay na ipinamalas sa kaniyang pag-aaral sa Philippine Military Academy (PMA).


Si Quemado ay isa sa mga kinilala bilang top performing cadets. Sa katunayan, siya pa nga ang valedictorian ng Bagsik-Diwa Class of 2022 na binubuo ng  165 lalaki at 49 kababaihan.


Tubong Koronadal City si Quemado. Ang kaniyang ama ay sundalo habang ang kaniyang ina naman ay isang guro.


Ayon sa kaniya, hindi naging madali ang kaniyang pagpasok sa PMA ngunit hindi siga sumuko, bagkus ay lalo siyang nagpursigi upang makamit ang kaniyang mga pangarap.


“As you enter the academy, there are many things and many challenges that will bring you down or may test you to the limit.


“However, do not forget your goals, and passion.”


Base sa tala ng southcotabato.gov.ph, si Krystlenn ang kauna-unahang PMA graduate mula sa Koronadal City at sa buong South Cotabato na nakakuha ng pinakamataas na parangal sa PMA.


Bukod sa pagiging valedictorian, inaasahan din na matatanggap ni Quemado ang iba pang mga awards gaya ng Cum Laude, Presidential saber, FOIC Saber, Jusmag award, Spanish award, Agfo award, Academic group award, Humanities plaque, Management plaque, Social sciences plaque, Dept of leadership plaque, at Navy professional award.

No comments:

Post a Comment