CHECK THIS OUT:

Search

Lola, biglang lumaki ang ilong matapos matamaan ng kahoy



Bigla na lamang lumaki ang ilong ng isang matandang babae mula sa San Isidro Candijay, Bohol matapos umano siyang tamaan ng kahoy sa mukha.


Ayon sa concerned netizen na si Ronald Ancero, si Nanay Locring Alas ay mag-isa na lamang namumuhay simula nang humagupit ang bagyong Odette. 


Dahil din dito, walang siyang pamilya o kaanak na maaaring magdala sa kaniya sa doktor upang mapasuri ang kaniyang kondisyon.


Napabayaan nang napabayaan ni Nanay Locring ang kaniyang ilong at ngayon, maging ang kaniyang mga gilagid ay nananakit na rin.


Dahil sa paglobo sa bahagi ng kaniyang mukha, nahihirapan na rin siyang makahinga.


Sa paglilinis ng bakuran lamang umaasa ang matanda upang mairaos ang kaniyang pang-araw-araw na pangangailangan. Wala siyang sapat na pera o ipon upang ipambayad sa doktor.


Araw-araw din ay peligro ang hinaharap nito sa pag-akyat-baba niya sa bintana ng kaniyang bahay. Ang pinto kasi nito ay nasira rin ng bagyo.


Kamakailan lamang ay nagbigay ng update si Ronald at sinabing "Aayusin namin bahay ni Nanay at dadalhin namin sa Doktor para mapatingin yung bukol sa kanyang mukha."

No comments:

Post a Comment