Marami ngayon ang tumitingala sa isang Pilipina na nakapagtapos sa prestihiyosong paaralan ng Royal Military College of Canada dahil siya lang naman ang kauna-unahang Igorot na nakatapos ng pag-aaral sa nasabing eskwelahan.
Si Ensing Carrie Faith Banglag Magannon ay tubong Sumadel, Tinglayan, Kalinga. Siya rin ang kauna-unahang PMA cadet na gumaraduate sa RMCC.
Ayon sa ulat, si Ensing ang isa sa mga napiling mag-aaral ng Philippine Military Academy na maagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa ibang bansa niyo siya ay nasa 3rd class cadet pa lamang o 2nd year sa PMA.
"I just took it as a joke "ang-angaw" and smiled. I never expected that someday it would be true," kwento ni Ensing na hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang karanasan.
"I doubted myself several times if I am good enough to be sent to study abroad, but the thought that PMA will not send me if they don't have confidence in me strengthen my spirit. To motivate myself more, I always tell myself, "If other can, why can't I" and with God's grace, I graduated" dagdag niya.
Nagduda man siya nang maraming bases sa kaniya sarili, sa huli ay nakapagtapos pa rin siya ng pag-aaral noong December 2020. Bagama't hindi siya nakadalo sa kanilang graduation ceremony dulot ng pandemya, isinali naman siya sa May Conovation ng RMCC noong Mayo 20, 2021 kung saan pormal siyang pinarangalan.
No comments:
Post a Comment