CHECK THIS OUT:

Search

Mga anak ni Lian Paz kay Paolo Contis, gustong ampunin ng kaniyang fiance

Patuloy pa ring pinagtitibay ng panahon ang relasyon ng dating EB babe na si Lian Paz at fiance niyang si John Cabahug sa kabila ng pagkakaroon  ng mga anak ni Lian sa kaniyang dating kinakasama.


Si Lian and dating nakarelasyon ng aktor na si Paolo Contis. Mayroon silang dalawang anak na pinangalanan nilang Xonia at Xalene.


Ayon kay John, hindi lang naman ang relasyon nila ni Lian and pinagbubuti ng panahon dahil napalapit at napamahal na rin siya sa kaniyang mga future stepchildren.


“Iba na rin ang relationship ko sa mga bata. Para kasi silang mga angels na dumating sa akin. Talagang sobra, parang anak ko na talaga sila,” kwento ni John.


Kapag nga raw inaatake ng kaniyang asthma si Xonia, si John ang kaniyang unang hinahanap. May mga pagkakataon din na Cabahug na ang ginagamit na family name ng magkapatid sa kanilang paaralan.


Dahil dito naiisipan ni John na legal ng ampunin ang dalawang bata ngunit aniya, naghihintay pa siya ng tamang oras upang gawin ito lalo pa at hindi niya pa nakaka-usap si Paolo ukol dito.


“Sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon. Pero ako, sobrang gusto ko."


“Kung p’wede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride. Pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay. Kaya sabi ko, in the right time siguro.”


Gayunpaman, maging legal na anak man ni John ang mga bata o hindi, sinusigurado niya na ang pagmamahal at pag-aalaga  niya sa mga ito, maging sa kanilang ina, ay hindi magbabago.


Source: Smart Parenting


No comments:

Post a Comment