CHECK THIS OUT:

Search

Friendship goals? Limang magkakaibigan, sabay-sabay na nabuntis

Mula sa ternong bag noong high school at ternong pajama tuwing mayroong slumber parties o sleep over, nag-level up ang friendship ng limang magkakaibigan dahil lahat sila ay nabuntis nang sabay-sabay.


Ayon kay Cherley Mae Nicolas, hindi nila pinlanong magkakaibigan na bumuo ng baby nang sabay-sabay. Sa katunayan, ang ilan sa kanila ay inilihim pa ang kanilang pagbubunti hanggang sa ang isa sa kanila ay umamin din noong kanilang friendship monthsary noong August 13.


"'Yung day na 'yon, nagsabi siya sa amin na 'Day, I have news. Buntis ako.' Tapos 'yon, natawa na lang kaming lahat. Sunod-sunod nagsabi na, 'Ako rin,'" sabi ni Nicolas sa kaniyang panayan sa "24 Oras Weekend."


At para i-celebrate ang nakatutuwang pangyayari, naisipan nila na magkaroon ng maternity shoot nang sama. Maging ang photographer ay nasiyahan sa kanilang maternity shoot dahil first time niya raw makaengkwentro ng magkakaibigan na sabay-sabay na nabuntis


Nagsimula ang pagkakaibigan ng lima noong 2009. Ngayong pare-parehong silang madadagdagan ng bagong miyembro ng pamilya, nangako sila na mas pagtitibayin pa nila ang kanilang relasyon upang maging magkakaibigan din ang kanilang mga anak.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment