CHECK THIS OUT:

Search

15-taong magkasintahan, magkasamang tinupad ang mga pangarap sa kabila ng pagsubok

"Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy."


Ito ang kasabihan na pinatunayan ng dalawang magkasintahan dahil sa hinaba-haba ng kanilang pinagdaanan bilang mag nobyo at nobya, sa huli sa altar pa rin ang kanilang happy ending.


Labing-limang taong naging magkasintahan sina Jobel Fernandez at Gerard Santos bago sila ikinasal.


Bata pa lamang sila nang magsimula silang mangarap na maging doktor, maikasal sa Christian wedding at magkaroon ng sariling bahay.


Bagama't hindi naging madali ang 15 taong nilang pagsasama dahil sa dami ng tukso, at pagsubok na dumaan sa kanila, nanaig pa rin ang kanilang pag-iibigan hanggang sa kapwa sila naging doktor, naikasal, at nagkaroon ng sariling tahaanan.


"Ang sarap balikan yung mga panahon na pinapangako palang natin sa isa’t isa na balang araw, 

SABAY tayong maging succesful sa career 🩺

makasal sa Christian wedding sa tamang panahon 💒 at makapagpatayo ng sariling bahay..."


"Oo HINDI NAGING MADALI. 

Pero HINDI TAYO SUMUKO. 

kahit sa anong pagsubok. 💪🏻

Kahit sa panahon na may nameet tayong iba, pinaglaban parin natin kung anong meron TAYO.

Nagmamahalan, Nagaaway, nagpapatawad ❤️"


Para kanila Jobel at Gerard, alam nilang sila na ang tamang tao para sa kanila dahil "nag-iinvest siya sayo ng ORAS at nag invest rin sa sarili niya para maging mas mabuting partner.

Dahil panatag siya na magiging maganda ang kinabukasan ninyong dalawa."


Dahil sa kanilang kwento na ibinahagi online, marami sa mga magkasintahan at mag-partner ngayon ang nai-inspire na kumapit sa kanilang mga sumpaan at mga pangarap na magkasamang binuo.



No comments:

Post a Comment