Isang anak ang humihingi ng tulong at nagsusumamo sa publiko upang mapalaya ang kaniyang ama mula sa kulungan at malinis ang pangalan nito mula sa mga akusasyon na ibinibintang dito.
Kwento ni Cj Campos Oledan noong Enero 13, 2021, pinagbintangan na nanghipo ang kaniyang ama kung kaya siya ay naipakulong.
Ngunit aniya, walang katotohanan ang ibinabatong akusasyon sa kaniyang ama. Ayon sa kaniya, iniligtas lamang nito ang isang bata na nadulas habang naglalaro.
"Ganito po kasi ang nangyari ang batang iyan ay naglalaro at biglang nadulas papalapit sa may bakal sinagip po sya nang tatay ko, syempre hindi mo mamalayan kung saang parte kana nakahawak sa pagsagip ang iniisip agad nila ay hinipoan ang bata."
"Kilalang kilala ko po ang tatay namin marami po kaming magkakapatid na babae sya rin po ang nag aruga sa panganay kong babae nakakalungkot isipin na kelan pa tumanda at may sakit na ay sya pang akusahan sa pagkulong. Magkakapamilya lang po kami. "
Dagdag pa nito, hindi man lang dumaan ang kaso ng kaniyang ama sa kaniyang kapitan dahil agad na dumiretso sa pulisya ang mga magulang ng bata.
Nangangailangan ng P108,000 ang pamilya nila CJ upang mapyansahan ang kanilang ama ngunit wala silang sapat na pera.
Hiling ngayon ni CJ na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kaniyang ama at makalaya na ito upang muli na silang magsama-sama.
No comments:
Post a Comment