CHECK THIS OUT:

Search

Estudyanteng nagtiis sa pagiging kasambahay, isa na ngayong ganap na pharmacist



"Merry na ang Christmas."


Ganito inilarawan ni Joanna Rose Griño, dating kasambahay, ang pasko ng kanilang pamilya dahil maaga niyang natanggap ang kaniyang regalo at iyon ay ang maging isang ganap na pharmacist.


Si Griño ay graduate ng BS Pharmacy sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela. Habang nagsusunog ng kilay sa pag-aaral, siya rin ay nagbabanat ng buto bilang isang kasambahay upang masuportahan ang kaniyang mga gastusin bilang isang mag-aaral.


Tubong Sorsogon ang pamilya ni Griño. Lumuwag siya pa-Maynila at nanirahan sa kaniyang kapatid upang siya ay makapag-aral ng kolehiyo.


Dahil hindi siya kayang suportahan sa aspetong pinansyal ng kaniyang pamilya at dahil na rin kailangan niyang tulungan ang kaniyang mga nakababatang kapatid na naiwan sa probinsiya, nagdesisyon siya na mamasukan bilang isang kasambahay.


Nagtiyaga si Griño at pinaghawakan ang kaniyang mga pangarap kahit pa nahihirapan na siya sa buhay maiangat lang ang buhay ng kanilang pamilya.


“Hindi habang-buhay ganito ang sitwasyon ko," pahayag ni Joanna.


“Kumbaga po kahit sobrang hirap, gagawa at gagawa ka ng paraan para ma-push mo yung pangarap."


Sa kabutihang palad, nagbunga naman ang lahat ng pagsusumikap ni Griño dahil siya ay naka-graduate sa napili niyang kurso at nito lamang December 3, 2021 ay nakapasa siya sa Pharmacist Licensure Examination. Ibig sabihin siya ay isa ng lisensyadong pharmacist.


Ayon kay Griño, dahil nakapagtapos na siya ng pag-aaral plano niya na "next year po yung sumunod po sa akin, yung panglima ko pong kapatid si Jethro, yun naman po yung susuportahan ko po sa college niya.”


Source: Pep.ph

No comments:

Post a Comment