CHECK THIS OUT:

Search

Bride sa Bulacan, pinakasalan ang groom kahit patay na



Hanggang sa huling hantungan ay pinatunayan ng isang bride sa Bulacan ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang kabiyak matapos niya  pakasalan sa mismong burol ang kaniyang groom noong November 22, 2021.


Ayon sa ulat, nakatakda talagang ikasal si Gileen Gutierrez sa kaniyang partner na si Marco Luis Dayao sa December 19 ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napaaga ito at naganap pa sa Father’s Cradle Memorial Chapel sa Malolos City kung saan ibinurol si Dayao.


Pagsisiwalat ni Police Col. Manuel Lukban Jr., isang Bulacan police director, pumanaw ang groom matapos siyang patayin nang lumabas siya sa apartment na tinitirhan nila ni Gutierrez at dalawa nilang anak.


Lumabas si Dayao matapos umanong may tumawag sa kaniya sa telepono at nais makipagkita. Saktong paglabas niya sa kanilang tahanan ay nabaril ito gamit ang isang automatic weapon.


Sa pag-iimbestiga ng pulisya, marahil ang krimen ay nag-ugat sa  “e-sabong” (online cockfighting) gaming center ni pinapatakbo ni Dayao.


Upang maisakatuparan ang kanilang pinlanong pag-iisang dibdib, napagdesisyunan ni Gutierrez na magpakasal kay Dayao, isang araw bago i-cremate ang mga labi nito.


Mensahe niya sa kaniyang asawa: "Magpapakatatag at magiging malakas ako para sa dalawang anak natin dahil alam ko iyon ang gusto mo para sa akin, sa amin. Mahal na mahal kita."


Source: Inquirer.Net

No comments:

Post a Comment