Matapos manghablot ng cellphone at maaresto sa Maynila, isang snatcher ang humiling na huwag na siyang kasuhan at ikulong bilang kaniyang maagang regalo sa papalapit na pasko.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" noong Nobyembre 15, sinabing nang-agaw ng cellphone ang suspek na si Ariel Guzman habang nakasakay sa pampasaherong jeep.
Nakipaghabulan pa ito sa mga tao at maging sa pulis na si Police Staff Sergeant Mark Anthony Taay na napadaan lamang sa lugar habang papasok ng trabaho.
Dahil sa dami ng tao, bigong makatas si Guzman dahilan upang siya ay madakip at mabawi ang cellphone na kaniyang inagaw.
Paliwanag ni Guzman, nagawa lamang niya ang krimen dahil sa hirap ng buhay at para na rin sa kaniyang anak na may sakit.
Sa labis na galit, desidido ang biktima na magsampa ng reklamo ngunit pakiusap ni Guzman, huwag na raw sana itong ituloy bilang maagang pamasko sa kaniya at gayong naibalik naman na ang hinablot niyang cellphone.
Ayon sa pulisya, dati ng nakulong ang suspek sa kasong pananakit at miyembro rin umano ito ng Bahala na Gang.
Source: GMA News
No comments:
Post a Comment