CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, pinutol ang ari matapos umano iniwan ng nobya



Hubo't hubad at duguan na natagpuan ang isang lalaki mula sa Ilocos Sur matapos umano nitong putulin ang maselang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa pag-iwan umano sa kaniya ng kaniyang nobya.


Sa nakaraang episode ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" makikitang paika-ika pa rin at kasalukuyang nagpapagaling ang lalaki na itinago sa pangalang "Carlo."


Kwento ng kaniyang mga kapitbahay, mabait naman daw ito at maayos ang pamumuhay ngunit bigla na lamang siyang nagbago nang iwan siya ng kaniyang nobya at nang malamang mayroon na pala itong bagong kinakasama.


Pero giit ng ina ni Carlo na si "Maria," hindi niya rin tunay na pangalan, hindi babae kung hindi labis na pagkalulong sa alak ang dahilan kung bakit pinutol ng kaniyang anak ang sarili nitong ari.


Aminado naman si Carlo na nahilig sa pag-inom ng alak. Sa katunayan, ito nga raw ang dahilan kung bakit siya iniwan ng kaniyang nobya.


"Sa kahiligan ko na rin siguro sa alak. Kahit pinagagalitan ako sinusuway ko. Hanggang sa tuluyan nang nagkahiwalay," sabi ni Carlo.


Sinubukan naman daw niyang tumigil sa pag-inom ng alak ngunit parang nawawala umano siya sa kaniyang sarili kapag hindi siya nakai-inom.


At nito ngang Oktubre 29, matapos niyang hindi uminom ng alak sa loob ng tatlong araw, bigla na lamang sumagi sa isip ni Carlo na putulin ang kaniyang ari.


Dito na siya nakita ng kaniyang mga ka-baranggay na duguan at nakahandusay.


Ayon sa urologist na si Rogelio Varela Jr., hindi na naibalik pa ang ari ni Carlo dahil sa hindi na maganda ang suplay ng dugo rito.


Mabuti na lamang ang hindi nagkaroon ng komplikasyon gaya ng tetanus o impeksiyon na maaaring ikamatay ni Carlo.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment