CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, 20 taon ng hindi nakauupo dahil sa malubhang karamdaman

 


Habang ang ilan ay ngalay na ngalay na sa pag-upo, isang lalaki naman ang 20 taon nang nakatayo dahil umano sa kaniyang kondisyon.


Sa isang viral video sa Tiktok, naitampok ang kwento ng 43-anyos na si Nilo Damaso na nag-a-apply noon ng National ID.


Ayon sa uploader, napag-alaman na hindi makaupo si Damaso nang paupuin siya upang kunan ng litrato.


Nang kapanayamin, naibahagi ni Damaso na mayroon siyang problema sa kaniyang backbone. Nais man niyang ipaopera at ipagamot ito, wala siyang sapat na pera at maging ang kaniyang pamilya.


Dahil dito, 20 taon ng hindi nakauupo si Damaso. Pagtayo at paghiga lamang ang kaya niyang gawin. 


Ayon sa kaniyang hipag, upang makasakay sa jeep si Damaso, kinakailangan pa nitong humiga. At kung sasakay naman ito ng tricycle, tatayo lamang ito entrance ng sidecar ng motor.


Dahil sa pambihirang kwento ni Damaso, maraming netizens ang naantig at marami ang nagdarasal na sana ay makatanggap ito ng sapat na tulong upang siya ay gumaling.



No comments:

Post a Comment