CHECK THIS OUT:

Search

Kuya Wil, nahabag sa caller na nawalan ng asawa at 5 anak dahil sa bagyo

Labis na nalungkot ang TV host na si Willie Revillame matapos niyang marinig ang napakasakit na kwento ng isang caller sa Tutok to Win segment ng programa niyang Wowowin.


Ayon kasi sa caller na si Dante, isa siya sa mga nakaligtas noong humagupit ang bagyong Yolanda noong taong 2013.


Bagama't ipinagpapasalamat niya ito, labis ang kaniyang hinagpis sa pangyayaring iyon sa kaniyang buhay dahil iyon din ang panahon na nawalan siya ng limang anak at asawa dahil sa hagupit ng bagyo.


"Bale ako po ay Yolanda survivor, namatay yung lima kong anak sa Leyte. Kaya po matagal na kaming umaasa na matawagan po ninyo. Lagi po akong nagme-message sa inyo, araw-araw nga po eh, mula Monday hanggang Friday po. Tapos, nag-umpisa pa po kayo sa Puerto Gallera, nakatutok-to-win na po kami," kwento ni Dante kay Kuya Wil.


Bagama't maituturing na bangungot ang kaniyang karanasan, natanggap na raw ni Dante ang kinahantungan ng kaniyang pamilya. 


Sa ngayon, patuloy siyang bumabangon at nakikipaglaban sa hamon ng buhay kasama ang bago niyang asawa na nagbigay lakas sa kaniya upang magbagong buhay.


"Naka-move on na po ako dahil sa asawa ko po ngayon. Nagkaroon na po ako ng bagong buhay kaya nga po gusto ko magkaroon po ng konting puhunan para makapagtinda po kami muli. Dahil sa pandemya, bumagsak po talaga kami," pagbabahagi niya.


Sa huli, hindi naman nag-alinlangan si Kuya Wil na bigyan siya ng P30,000 upang maibangon nila ang kanilang negosyo.


"Isipan mo ah, gano'n e. Matututo ka sa buhay e. Kasi 'yan totoong nangyayari sa buhay nating mga kababayan. Kailangan talaga lalaban ka sa buhay kung may mga pinagdadaanan ka. Kaya dapat hindi na nag-a-away-away. Ang sarap ng walang kaaway. Dapat paglabas mo ng bahay, mas marami kang nagiging kaibigan kesa kaaway," mensahe ng TV host.

No comments:

Post a Comment