CHECK THIS OUT:

Search

Claudine Bautista kinasuhan ang aktor na si Enchong Dee ng cyber libel; humihingi ng P1 bilyong danyos


Sinampahan ng Congresswoman na si Claudine Diana "Dendee" Bautista-Lim ng reklamong cyber libel ang aktor na si Enchong Dee dahil umano sa manapanira nitong salita ukol sa kaniya.


Nag-ugat ang determinasyon ni Claudine na ireklamo ang aktor matapos nitong magbigay komento ukol sa kaniyang naging magarbong kasal sa Balesin Island Club Resort sa Polilio, Quezon.


Matatandaang ikinasal si Claudine, isa ring representative ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER, sa negosyante at kababata niyang si Jose Frencg Tracker Lim sa pammagitan ng civil wedding noong Febuary 20, 2021 at sa Balesin noong July 28, 2021.


Ayon kay Claudine, pinalabas ni Enchong na siya ay isang "corrupt" na public officiaial at "insensitive" sa pangangailangan ng sektor na nirerepresenta niya.


"ENCHONG DEE even went as far as saying that I used public coffers to fund my wedding by categorically saying that 'The money for commuters and drivers went to her wedding', to the detriment and injury to my honor and name," sabi ni Claudine.


"The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official," dagdag niya.


Bagama't humingi na ng tawad sa kaniya ang Enchong sa kaniyang naging komento, para kay Claudine hindi ito sinsero kung kaya itutuloy niya pa rin ang kaniyang reklamo laban sa aktor.


"He was not sorry to me and for the damage that he has done. He just wants to deflect, albeit unsuccessfully, this criminal charge against him."


Humihingi ngayon si Claudine ng "moral damages" na nagkakahalaga ng "PHP500,000,000" at "exemplary damages" na "PHP500,000,000" para maging "deterrent" ang nangyaring insidente.


Source: PEP.ph

1 comment:

  1. ayeeee... he, she, it, they ..... proofread din pag may time

    ReplyDelete