CHECK THIS OUT:

Search

Babae sa Caloocan, tinekitan ng pulis dahil sa pagsuot ng short habang naglalakad sa kalye

 


Labis ang pagkagulat ng isang babae sa Caloocan City matapos siyang tiketan ng pulis dahil umano sa paglalakad niya sa pampublikong lugar habang naka-short pants.


Ayon sa babae na itinago sa pangalang "Carmina," lumabas lamang siya ng bahay para ihatid ang produkto na binili sa kaniya nang bigla siyang sitahin ng pulis.


"Akala ko po tungkol po sa mask yung nilapit niya sa akin kasi po hawak ko po yung mask ko noon. Ang sabi niya po yung maikling short daw titiketan daw po niya ako. Tapos sabi ko paano po yun sir hindi ko po alam na bawal ang maiksing short,” kuwento ni Carmina.


“Halos lahat naman po talaga naka-short na po eh sabi nga po ng matatanda doon paano naman kami nagso-short din huhulihin din ba nila matanda na kami,” dagdag niya.


Sa itinakdang   "dress code in public places" base sa city ordinance na ipinasa noong 2007, inaatasan ang publiko na magsuot ng tamang damit kung nasa pampublikong lugar.


Sa ilalim ng probisyong ito, nakalahad din na bawal maghubad ng damit, at magsuot ng short, sando o sleeveles o sira-sirang damit ang mga nagtitinda sa palengke.


Bagamat hindi pa pinagmulta at binalaan lamang ng pulis si Carmina, ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras" noong November 10, ipiiimbestiga na raw ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan ang natuurang insidente.

No comments:

Post a Comment