CHECK THIS OUT:

Search

5 batang magkakapatid, patay sa landslide sa Iligan City

Patay ang limang magkakapatid sa Barangay Mandulog sa Iligan City matapos matabunan ng lupa ang kanilang tahanan noong Linggo ng umaga (Nobyembre 14). 


Ayon sa ulat, nag-ugat ang pagguho ng lupa sa kalat-kalat na pag-ulan sa mga kalapit na lugar sa kanilang baranggay.


Sa tala ng awtoridad, edad 7 buwan, at 2,4,7 at 8, taong gulang ang mga batang namatay habang himala namang nakaligtas ang kanilang mga magulang na sina Shiela at Jessie Barulan na nakatira sa Purok 2, Sitio Sawsaw.


Pagbabahagi ng councilor ng lugar, tulog pa ang mga bata nang mangyari ang trahedya. Biglaan ang naganap na pagguho ng lupa kung kaya hindi na nakahingi pa ng tulong ang pamilya.


“The three children and their mother were brought to a private hospital while the two kids and their father were brought to the city hospital. Unfortunately, all five children died. Their mother is being observed and with intravenous fluid,” sabi ni Councilor Eric Gabonada.


Sinubukan pang dalhin ng mag-asawa ang kanilang limang anak sa ospital ngunit idineklara silang dead on arrival.

Source: ABS-CBN




No comments:

Post a Comment