Kwento ng nanay na si Ana Mae Denaguit, hindi niya namalayan na naabot pala ng kaniyang anak ang isang push pin sa bulletin board ng isang milk tea shop na kanilang kinaroroonan.
Nang maubo ang bata, saka pa lamang napansin ni Denaguit ang push pin sa lalamunan ng sanggol. Sinubukan niya ito kunin ngunit tuluyan pa rin itong nalunok ng kaniyang anak.
Ayon sa nakausap na doktor, kung hindi kusang mailalabas ang push pin sa loob ng tatlong araw, kakailanganin ng maopera ng bata upang maiwasan ang anumang komplikasyon.
“Maaring matusok daw ang tinae ng baby kasi masyadong maliit… Maghanda daw kami ng P50k-P100k para sa operation. ‘Di kasali ‘yong admission ‘tsaka gamot.”
Nananawagan ngayon ang pamilya ni Denaguit ng donasyon upang mapaopera ang sanggol.
Source: ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment