CHECK THIS OUT:

Search

'Well of Hell' sa Yemen, bilangguan nga ba ng mga 'diablo?'

Pagkatapos ng napakaraming taon, sa wakas ay napag-alaman na rin ng mga eksperto kung ano nga ba ang laman ng kinatatakutang "Well of Barhout" o "Well of Hell" sa disyerto ng Al-Mahra province sa Yemen.


Ang "Well of Hell" ay isang sinkhole na kinatatakutan ng mga taga Yeman sa loob ng napakahabang taon.


Takot ang mga lokal dito na pasukin ang nasabing sinkhole dahil pinaniniwalaan itong bilangguan ng mga diablo at maging ng mga genie.


Kwento pa ng marami, hinihigop ng sinkhole ang mga tao at bagay na nakapaligid dito, at hindi rin pinapasok ng liwanag ang loob nito.


Noong mga nakaraang dekada, may ilan na nagtangkang pumasok sa loob ng "Well of Hell" ngunit bigo silang marating ang pinakailalim nito dahil wala na umanong oxygen doon.


Ngunit nito lamang Setyembre 21, dala ang mga bagong kagamitan ay pinasok ng Oman Cave Exploration Team ang nasabing sinkhole.


Dito na napag-alaman na hindi diablo o genie ang laman ng "Well of Hell" kung hindi iba't-ibang uri ng ahas, palaka, at ibon. Mayroon ding mga cave pearl sa loob nito.


Ayon sa mga  eksperto, 112 meters ang kabuuang lalim ng sinkhole. Kumuha rin sila ng mga sample ng tubig, bato, at hayop upang mapag-aralan.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment