CHECK THIS OUT:

Search

Sanggol na wala ng buhay, himalang nailigtas ng isang doktor

"Miracle baby" kung maituturing ang isang sanggol mula sa La Castellana, Negros Occidental matapos nitong ma-revive sa kabila ng pag-aagaw buhay.


Ayon sa ulat ng  BYHB Tatak RM Page, ipinanganak nang hindi humihinga ang bata noong December 27, 2020. 


Ayon kay Dr. Enrico Elumba, naipit sa pwerta ng 18-anyos na nanay ang bata dahil para bang pinipigilan umano nitong lumabas. 


"Kasi 18 years old pa lang yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas yung bata kaya hindi na nakahinga. Makikita na sana ang baby dahil lumlabas na ang ulo niya."


Gayunpaman, naisalba pa rin ang sanggol matapos magsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) nang 30 minuto.


Laking pasasalamat naman ng ina at ligtas ang kaniyang anak na pinangalanan niyang Ericka Paula alinsunod sa mga pangalan ng doktor at isa pang hospital staff na tumulong sa kaniya.


No comments:

Post a Comment