CHECK THIS OUT:

Search

OFW, nasorpresa sa naipong P300K ni mister mula sa kaniyang mga padala


Labis ang pagkabigla ng isang overseas Filipino worker mula sa Kuwait nang umuwi siya sa Pilipinas dahil sa laki ng perang inipon ng kaniyang mag-aama mula sa kaniyang mga pinapadala.


Ayon sa ulat ng GMA News "Balitang Amianan" nakapag-ipon ang pamilya Fortez mula sa Agoo, La Union ng P300,000 mula lamang sa regular na pagtatabi ng kaunting halaga mula sa perang ipanapadala ng inang si Rodelyn magbuhat noong magtrabaho siya sa Kuwait.


"Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko is talagang nagpursigi akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko, himbis na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag-store ako," kwento ng padre de pamilya na si Rudolfo.


Ang mga perang naipon ng pamilya ay ginamit pambili ng motorsiklo at pampaayos ng kanilang tahanan.


Masayang-masaya naman si Rodelyn dahil nakapagpundar sila kahit pa maliit lamang ang sinasahod niya bilang isang OFW.



No comments:

Post a Comment