CHECK THIS OUT:

Search

Ama, binalian ng buto ang 2-anyos na anak dahil ayaw kumain



Kalunos-lunos ang sinapit ng isang dalawang taong gulang na bata mula sa kaniyang ama matapos siya nitong balian ng buto dala ng init ng ulo noon lamang September 18.


Sa programang Raffy Tulfo in Action, ikinwento ng inang si Lucia Enario na sinaktan ng kaniyang kinakasamang si Jeffrey Vega ang kanilang anak dahil sa ayaw nitong kumain.


Katwiran ni Jeffrey, natuliro lamang siya kaya niya nasaktan ang kanilang anak dahil inaasikaso niya rin ang tatlo pa nilang anak na pawang mga bata pa.


Gayunpaman, aminado ang suspek na napasobra ang pananakit niya sa bata. Sa katunayan, nakahanda na nga raw itong magpakulong sa Toledo Police Station kung hindi lamang iniurong ni Lucia ang kaso.


Ngunit nang makausap ito ni Raffy Tulfo, desidido na umano ulit siya na kasuhan ang kinakasama dahil sa ginawang pananakit ni Jeffrey sa iba pa nilang mga anak. 


No comments:

Post a Comment