Ayon sa ama ng batang si Sabel Lisao, magsusuob sana sila nang mangyari ang insidente. Nilagay niya ang kaldero na may mainit na tubig sa ilalim ng isang upuan kung saan din nakatayo ang bata.
Nang matalikod umano ang amang si Jovhan, tumumba ang upuan na kinatatayuan ni Sabel dahilan upang bumuhos sa kaniya ang tubig na kakukulo lamang.
Dahil dito, 89 na porsyente ng katawan ng bata ang nalapnos at 39% dito ang maituturing na second degree burn.
Kinakailangan ngayon ni Sabel na sumailalim sa tatlong operasyon, kabilang na ang skin grafting nang sa gayon ay maisaayos ang balat na nasira sa kaniyang mukha at katawan.
Ayon sa doktor ni Sabel, hindi sila sigurado kung maibabalik pa ng tuluyang ang dating mala-anghel na mukha ng bata. Ang tiyak lamang na magagawa nila ay siguraduhin ang kaligtasan ni Sabel.
Source: BRIGADA
No comments:
Post a Comment