CHECK THIS OUT:

Search

Edited? Pari, viral dahil sa kagwapuhan at matipunong pangangatawan

 



Kinakikiligan ngayon sa social media ang mga larawan ng isang pari dahil bukod sa pagiging maka-Diyos, ay gwapo at maganda rin ang pangangatawan nito.


Ang viral na pari ay kinilala bilang si Fr. Ferdinand Santos. Bukod sa pagsisilbi sa Diyos, abala rin siya sa pagiging isang guro at licensed fitness instructor.


Nagsimulang kumalat ang kaniyang mga larawan sa social media noong August 30. Bagama't marami ang natuwa sa pagiging gandang lalaki ni Fr. Santos, may ilan naman na nagsabi na edited lamang ang kaniyang mga larawan.


Paliwanag naman ng pari, hindi edited ang kaniyang mga picture dahil ang mga ito ay kuha sa kaniya 17 taon na ang nakaraan, noong siya ay 30 years old pa lamang.


"Ladies and gentlemen, yours truly is old! And dang proud of it!!! The photos people have drawn from my page span 17 years! But no, they were not edited. I don't have the sophistication or the time to waste to do that kind of work," sabi ni Fr. Santos.


Message naman niya sa kaniyang fans: “There is so much more to life than constantly running after things that will never fully satisfy us.”


"It's a truly blessed life, because one is able to help people, to bring them to God, and to be a reminder to them, and to the whole world, that there's so much more to life than constantly running after things that will never fully satisfy us no matter how much of them we amass for ourselves."


Source: Yahoo News

No comments:

Post a Comment