CHECK THIS OUT:

Search

TINGNAN: Tunay na kalagayan ni Mura matapos niyang mawala sa showbiz

Marami sa mga sikat na aktor sa showbusiness ang bigla na lamang naglalaho matapos ang ilang taong pamamayagpag ng kanilang karera. Isa rito ay si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura."


Si Mura ay sikat na komedyanteng mayroong dwarfism. Dati niyang naka-love team ang aktres na si Mahal na may pareho ring karamdaman.


Madalas na mapanood noon si Mura sa mga pantaserye gaya ng Darna (2009), Volta (2004) at Wapakman (2009). Ngunit, dumating pa rin ang panahon na naglaho na lamang na parang bula ang aktor. Ang tanong tuloy ng marami, "kumusta na kaya ang komedyanteng si Mura?"


Sa pamamagitan ng vlogger na si Virgelyncares 2.0 ay napag-alaman ng publiko ang tunay na kinalalagyan ngayon ng aktor.


Sa isang vlog na ini-upload ni Virgelyn sa Youtube noong Linggo (Agosto 2), ipinakita niya ang personal niyang pagbisita sa bahay ni Mura sa isang bundok sa Bicol.


Sa kaniyang pakikipag-usap sa aktor, napag-alaman niyang naaksidente pala ito noong 2010 dahilan kung kaya siya ay paika-ika na kung maglakad ngayon.


Ayon kay Mura, nais niya sanang bumalik sa showbiz para mas matulungan ang kaniyang pamilya ngunit walang oportunidad na kumakatok sa kaniya.


Kasama umano siya dapat sa programang "Ang Probinsiyano," ngunit tinanggihan niya ito dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya na kakayanin ang mga maaaksyong eksena rito bunsod ng kaniyang kapansanan.


Mabuti na lamang at mayroong 3 ektaryang lupa si Mura na kaniyang nabili noong siya ay umaarte pa sa mga palabas. Dito ngayon siya nagtatanim bilang pangkabuhayan.


Gayunpaman, aminado si Mura na nahihirapan pa rin sila sa buhay. Bagama't hirap sa paglalakad ay pinipilit niya pa ring magsaka kumita lamang ng pera.


Bilang tulong, inabutan siya ng vlogger ng P10,000 na siya naman ikinatuwa ng aktor. Aniya, nais niya sanang bumili ng alagang baboy nang sa gayon ay umikot ang kaniyang pera at mayroon pa siyang ibang mapagkakaabalahan.


No comments:

Post a Comment