CHECK THIS OUT:

Search

Ginang, piniling maging pulubi kahit na may ipong $1 million sa banko

Ginulat ng isang ginang mula sa Beirut ang mga awtoridad dahil sa napakalaking ipon nito sa bangko sa kabila ng pagiging palaboy sa kalsada.


Napag-alaman ng awtoridad ang yaman ni Fatima Othman matapos siyang makita nang wala ng buhay sa isang abandunadong sasakyan sa Barbir District noong 2018.


Ayon sa internal security forces, inatake sa puso ang 52-anyos na si Othman kaya ito pumanaw. 


Nang tingnan ang kaniyang mga gamit, partikular ang mga bag na hawak-hawak niya, nasurpresa ang lahat dahil may laman palang 5 million Lebanese pounds ($3,400) ang mga ito.


Ang mas nakatutulala, mayroon ding deposit book ang pulubi sa kalapit na bangko na nagpapakita na mayroon itong mahigit $1 milyong dolyar sa kaniyang savings account.



Tinawagan ng awtoridad ang pamilya ni Othman at agad naman itong nailibing sa Ain Al-Zahab in Akkar, northern Lebanon, lugar kung saan siya nanggaling.


Maging ang kaniyang walong anak at mga kapatid ay walang kaalam-alam sa pera ni Othman, patunay na walang nag-uudyok sa pulubi upang mamalimos.


Bagama't 2018 pa nang maiulat ang kwentong ito, patuloy itong nanggugulat sa mga mambabasa dahil sino nga ba ang mag-aakala na ang isang pulubi, posible palang may itinatagong milyon-milyong salapi.


Source: Arab News


2 comments:

  1. She might be preparing for the future of her family thats why she just keep it secretly

    ReplyDelete